389 episodes
- “Kung papipiliin ako kung siya o ang pamilya ko, pipiliin ko ang pamilya ko.”Ibinahagi ng ating sender, 46 anyos mula Palawan, ang lihim niyang relasyon sa kumare ng kanyang misis na nakilala niya sa isang simpleng salu-salo. Nagsimula ang lahat sa paghanga at tukso hanggang sa mauwi ito sa isang lihim na relasyon na patuloy nilang itinatago. Dahil sa trabaho niya bilang tour guide, madalas siyang malayo sa pamilya, pero sa halip na misis at mga anak ang mamiss niya tuwing umuuwi, ang kumare na ang laman ng isip niya. Alam niyang mali ang ginagawa nila at ayaw niyang masira ang pamilya niya, pero nahihirapan siyang tuldukan ang relasyong hindi niya inaasahang hahantungan niya. Ito ang secret file ni Arnold.
- “Nakipagrelasyon ako sa amo ko. May asawa't anak na siya, pero 'di ko natiis..”Ibinahagi ng letter sender ang naging lihim na relasyon niya sa isang babaeng may asawa at anak na nakilala niya habang nagtatrabaho bilang driver. Nagsimula ang lahat sa simpleng kumustahan at kuwentuhan tuwing hatid-sundo niya sa amo, hanggang sa unti-unti silang nagkaroon ng espesyal na nararamdaman para sa isa’t isa. Sa kabila ng saya ng kanilang pagsasama, alam niyang may pamilyang maaaring masaktan sa ginagawa nila. Ito ang secret file ni Dondon.
- Akala ko sa wakas natagpuan ko na ang taong mamahalin ako nang walang pag-aalinlangan.”Ibinahagi ng caller, isang bisexual, ang kuwento ng pagmamahal niya kay Alex, isang babaeng nakilala niya sa kanilang pinagtatrabahuhan. Masaya siyang natagpuan ang isang taong tanggap ang kanyang pagkatao, kaya hindi siya nagdalawang-isip na pumasok sa isang relasyon dito. Pero habang tumatagal, nakaramdam siya ng kakaiba nang mapansin niyang tila may espesyal ding closeness ang isa sa kanyang matagal nang kaibigan at katrabaho. Lalong naging mabigat ang sitwasyon nang may matuklasan siyang hindi niya inaasahan, na nagdulot ng matinding pagdududa, insecurity at sakit, lalo na dahil taong pinagkakatiwalaan niya ang nasasangkot. Ito ang secret file ni Mark.
- “Hindi sila pabigat. Bagkus sila ay blessings mula kay Lord.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakaaliw pero nakakagulat na karanasan niya bilang ina ng isang batang may autism spectrum disorder. Habang abala siya sa pag-aasikaso sa mga nakababatang anak, tahimik palang may ginagawang kakaiba ang kanyang panganay sa kuwarto. Nang silipin niya ito, laking gulat niya nang makitang ginupit ng anak ang sarili nitong buhok dahil naiinitan daw ito. Sa kabila ng kalokohang nangyari, ipinakita nya ang kahalagahan ng pag-unawa, pasensya at paggabay sa mga batang may special needs. Ito ang secret file ni Daniela.
- “Binenta ko ang sarili kong dangal para lang makaahon kaming dalawa sa hirap.”Ibinahagi ng letter senfder ang masakit niyang karanasan sa piling ng lalaking minahal niya mula pa noong high school. Sa edad na 14, nabuntis siya at maagang hinarap ang responsibilidad bilang ina, habang nagsisikap na maitaguyod ang pag-aaral at pangarap ng kanilang pamilya. Marami siyang isinakripisyo para makaahon sila sa hirap, pero nang makapagtrabaho na sa Taiwan ang asawa, natuklasan niyang niloko siya nito. Sa kabila ng pagbuti ng kanilang buhay pinansyal, nanatili ang sakit, pagod at pakiramdam na hindi pinahalagahan ang lahat ng kanyang ginawa. Ito ang secret file ni Lai.
More Drama podcasts
Trending Drama podcasts
About Raqi’s Secret Files
The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.
Podcast websiteListen to Raqi’s Secret Files, We're Alive and many other podcasts from around the world with the radio.net app

Get the free radio.net app
- Stations and podcasts to bookmark
- Stream via Wi-Fi or Bluetooth
- Supports Carplay & Android Auto
- Many other app features
Raqi’s Secret Files: Podcasts in Family
































