
6th Episode_Magandang Gabi Munting Trese (Animated Series Review)
10/9/2021 | 1h 5 mins.
Sure kaming napanood ninyo na 'to. Kaya makakarelate kayo sa usapan namin. Tara na, mga Lakan at Lakambini. Pag-usapan natin sa aming ikaanim na episode ang ikaanim na anak ng ikaanim na anak.

5th Episode_Nanlaban sa BuyBust eh (Movie Review)
15/7/2021 | 44 mins.
Hanep sa banatan 'tong pelikula na 'to. Mapagkuwentuhan nga habang bumabanat ng lugaw.

4th Episode_Ang Babae sa Septic Tank 3, nakatatlo pala? (Series Review)
26/6/2021 | 32 mins.
The Real Untold Story of Josephine Bracken. Ang daling iclaim 'nung salitang "real" para sa pansariling interes o vanity noh? Pag-usapan natin kung paano 'yan tinalakay sa huling installment ng Septic Tank universe. Tara na't makinig sa first ever on location episode ng paborito naming podcast! ('Wag mag-expect ng malalang location)

3rd Episode_Pasintabi sa Naglulugaw, may Babae sa Septic Tank (Movie Review)
31/3/2021 | 41 mins.
Ang baho ng episode na 'to. Pero hahanap-hanapin mo. Aminin. Kung kaya ng sikmura mo, welcome na welcome ka pa ring kumain ng lugaw habang pinakikinggan kami.

2nd Episode_May Lugawan sa Magic Temple (Movie Review)
10/3/2021 | 45 mins.
Pag-usapan natin kung saan matatagpuan ang Magic Temple, kung bakit nagmumulto ang mga bangkay, at kung ano ang maka-agham na paliwanag kung bakit nakakapagpatubo ng bulaklak ang luha.



Tara Lugaw